Isang bagay daw lamang ang hinahanap-hanap niya ngayon sa kanyang buhay – di na siya makakapag-marathon tulad ng dati.
WARRIORS FOR PEACE
Army Captain Danilo "Danny" Lim
Isang bagay daw lamang ang hinahanap-hanap niya ngayon sa kanyang buhay – di na siya makakapag-marathon tulad ng dati.
Pinanganak si Army Capt Danilo Lim sa Solano, Nueva Vizcaya. Isang taon pa lamang si Danny ng mamatay ang kanyang ama. Nahirapan ang kanynang “Mamang" na magpalaki sa kanilang limang anak na lalaki. Ngunit ang kanilang kahirapan ay hindi naging hadlang sa pagkamit ni Danny ng maraming mga awards, medalya at tropeo di lamang sa mga intelektuwal na pagsusubok kundi na rin sa larangan ng isports. Isa siyang university scholar sa UP nang siya’y lumipat sa Philippine Military Academy dahil nalaman niyang bukod sa libre ang pag-aaral, may nakalatag na agad na military career sa mga PMA gradweyts. Ngunit, dahil bukod tangi ang academic performance ni Danny, napili siyang ipadala sa United States Military Academy upang doon magtapos sa West Point.
Pagbalik sa Pilipinas, siya ay nasabak agad sa counterinsurgency warfare sa Mindanao, sa Bicol at sa iba pang maiinit na lugar sa Luzon. Ngunit saglit siyang bumalik sa kanilang barrio upang makipagisang dibdib kay Aloysia Tiongson, kanyang kababata at kapitbahay sa Solano. Muntik ng mamatay si Danny sa labanan sa Mindanao. Hangang ngayon nga ay may mga shrapnel pa sa loob ng kanyang katawan. Dito, sa kanyang pakikipaglaban, nakaharap ang pagkawala ng gobyerno sa maraming lugar ng ating bayan, ang kahirapan ng buhay ng pangkaraniwang Pilipino at ang pagkawala ng pag-asa ng mamamayan sa kanilang hinaharap. “Unti-unti kang magtatanong kung bakit ang mga kapwa Pilipino, nagpapatayan. Sino ba talaga ang kalaban natin? Ang farmer ba na ito na biktima ng injustice?”
Sa pagnanais niyang maging bahagi sa pagbabago ng ganitong kalagayan, tinaya niya ang isang “very promising career.” Dahil dito’y nakulong si Danny. Ngunit aniya, “Iyong mga pader at steel bars sa kulungan, hindi iyon makakakulong ng pag-iisip ng tao…. "yong spirit.” Wala siyang pinanghihinayangan sa kanyang pinagdaanan – isang makabuluhang “learning experience” sa pagsandal sa bala at baril lamang tungo sa pagbabago. Dahil dito’y, pumasok siya at ang kanyang mga kasama sa kasalukuyang peace process. “This peace process should involve all sectors. Kaya lang ang puna ko sa mga kababayan natin, napakataas ng threshold for pain. Binubugbog mo na, tumatawa pa. we are talking of six to eight hours of brownout daily. Dito, iyong eight hours, kapag naging four hours, nagpapasalamat pa ang tao. Kung sa ibang bansa iyan, nagrebolusyon na.”
Panghuli, nagpapasalamat din siya na sa kabila ng lahat, hindi siya sinisingil o sinisisi ni Aloy. Sa kasalukuyan, ang isa sa mga centro ng kanilang buhay ay ang kanilang anak na si Aika.
Isang bagay daw lamang ang hinahanap-hanap niya ngayon sa kanyang buhay – di na siya makakapag-marathon tulad ng dati.