Tula para sa mga tunay na kawal ng bayan




KABAYANIHAN
(Malayang Tula para kina Senator Trillanes, General Lim, at mga kasamahang Magdalo)
Agosto 2008

Mga mumunting halaman
Minsa'y sumibol
Lupai'y matigas,
Tigang at uhaw sa ulan........
Nakapagtataka 'pagka't walang dilig
Walang pataba, walang aruga'y
Himalang sa tindi ng mga balakid
Ay buhay at kusang tumutubong busilak
Sa gitna ng batuhan at tuyot na lupa...
Sa mabalasik na hinanakit ng araw......
Kung papaano'y...... (???)
Panaginip ang haplos ng ulan...
Pagarap t'wina
Ang minimithing bunga at bulaklak
Ng gawaing banal........
Sa kaibuturang-puso'y pinakatatago
Taal na Bukal ng Buhay
Malayang agos ng kabathalaan sa kalooban
Dinidilig t'wina sa luha
Alay sa dambana ng Kalayaang hiraya
Dito sa kadiliman iingatan ang lihim na Mutya
Diwata ng Paraisong Silangan
Dito sa kadlungan ng dilim magtitiwala,
Patuloy na gagawa
Mananalig at aasa
Hihintayin ang halik ng liwanag
Hanggang sa sumilay ang Araw ng Tag-ulan
Sa takdang panahon tulot ng Langit.

--------Sanghaya ( U.P. Manila)

New Posts