Kambal Tuko: Danny Tape at Garci Tape
Mga Diskurso ni Doy
Friday, July 07, 2006
Kudeta, sedisyon, rebelyon, article of war o court martial ang ikakaso sa dating puno ng Scout Ranger na si Gen Danny Lim? Kung kudeta, may kalabuan dahil wala namang kudetang nangyari. Malayong-malayo ito (1987-89) sa mabangis na kudetang inilunsad nung kapanahunan ni Presidente Cory Aquino. Magkakatuwang na isinagawa ng RAM-SFP-YOU, kung saan, maraming napinsalang ari-arian, buhay, ari-arian at nasira ang umaarangkada na sanang kumpiansa ng namumuhunan sa bansa.
Kung sedition at rebelyon? Mukhang alanganin, sapagkat isa lamang “withdrawal of support” at hindi naman consumated ito o binalak pero hindi naipatupad, sa madali't sabi, naunsyami! Nasaan nga naman ang sedisyon at rebelyon dun? Ang totoo pa nga daw, si Danny Lim pa nga ang umawat sa mga maiinit na junior officers na i-assault na ang Malakanyang nuong nakaraang Pebrero,'06. Kaya't sa totoo lang, maari pa ngang magpasalamat ang Malakanyang kay Danny Lim. Ang sedisyon at rebelyon ay lubhang malayong-malayo sa patuloy na inilulunsad ng mga kaaway ng gubyerno, ang CPP at NPA.
Kung ibabase ang kaso sa Article of War at iko-”court martial” ang maramihang kasangkot dito at kapag itinuloy ang pagpaparusa sa mga miyembro ng militar na inaakusahan daw sa kudeta, posibleng mag-init na naman ang mga junior officers sa hanay ng militar at imbis na maistabilisa, mag-alburuto, lumala ang pagbaba ng morale (restiveness) ng mga sundalo at sumabog ang sitwasyon?
Ayon sa ibang nagmamasid, ang timing ng pagpapalabas ng “Danny Tape” sa publiko ay kduda-duda. Ayon kay Sen Biazon, sinadya at masinsinang pinagplanuhan ito ng ilang malapit na Heneral (AFP) ng Malakanyang (Gen. Esperon?) ang “Danny Tape” upang ilito at ibaling ang atensyon ng mamamayan sa umiinit na ikalawang impeachment complaint kay Ate Glo. Sinasabi ring na, isa itong pagsubuk (testing the water), pagtantya at pag-antabay sa posibleng magiging reaksyon ng ilang matataas at junior officers sa AFP.
Maaring magkaroon ng backlash ang nasabing pagsasapubliko (no win situation sa pig ng Malakanyang) ng Danny Tape. Kung masama, kung illegal at kung labag sa Konstitusyon ang “withdraw of support” ng grupo nila Gen Danny Lim, walang dudang masama at illegal din ang “withdrawal of support” ni Sec Gen Angelo Reyes nung 2001 Edsa revolution, ang kapanahun ng dating Presidenteng si Erap Estrada. Ang kaibhan nga lang, nabigo ang huli at nagwagi ang grupo ni Gen Angelo Reyes.
Sa totoo lang, mas magaang pa nga ang dating ng panawagan nil Gen Lim, kung ikukumpara sa kaso ni Gen Angelo Reyes nung panahon ni Erap, mga Kudeta ng RAM-SFP -YOU at ni Gringo Honasan nung kapanahon ni Tita Cory.
Ano ang ipinapakita ng Danny Video? Nakakatulong ba ito sa Malakanyan o nakakasira sa katatagan ng gubyerno? Pinatutunayan lamang na totoo ngang may alingasngas sa hanay ng AFP, totoong watak-watak na ang hanay ng militar, kabalintunaang sa sinasabi ng chief of staff Gen Senga,ni Gen Esperonng AFP na solid, nasa panig ng Konstitusyon, may propesyunalismo at susuporta ang lahat sa ilalim ng pamumuno ng commander in chief.
Pinapakita lamang na may namumuong restiveeness sa hanay ng AFP, lalo na sa hanay ng Junior officers. Ipinapakita lamang na ang Danny Tape na “ganun na nga kalaki, kalawak at kasolido ang restiveness sa loob ng AFP.
Doy cinco/ipd
July7, 2006

Labels:
Feb '06,
News Clips,
Opinion and Commentaries
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment