I Shout: happy 53rd bday.

By Aika Lim
June 2, 2008


gloria will soon ruin her own government.. time will come.. tignan nyo nalng sa mga headlines. lahat tumataas… gasolina, kuryente, value of peso, pagkain, harina, kanin, bigas, delata, anu pa.? bka sasusunod pati si ms. president tumangkad bigla! hahah. she wont be there in her throne forever. even the GREAT esperon. i bet once na mawala sila sa pwesto…. lilipad yang mga yan sa ibang bansa. lumalabas na rin lht ng mga dati pang pinag sasabi ng mga taong dati pang naninindigan sa katotohanan at sa kanilang mga prinsipyo. ang hirap ngayun. halos lht ng tao naghihintay na lng, hnd na gumagalaw para maisulong ang katotohanan. takot.

dumating ang panahon na ok na. inter faith rally…. ayun wala ring nanyari dahil magkakaaway din yung mga tao dun… hnd nagkakasundo. nag si alisan nalng… isa pang dahilan cguro. wala na ang magigiting na sundalo… (yung nagtetake life ba) wala. wala na yung naninindigan talaga yung may prinsipyo. yung mga tulad ni(you know: papa)hnd rin bumabaligtad sa kanilang pinaninindigan. grabe. pinagdaanan pa nila yung tear gas na yun. he was detained for almost three years without evidence and without the right cases to detain him. grrr!!!



its dad’s bday. weee. ito lang ang masasabi ko. sa tagal tagal na (alam mo na) si papa. talagang bilib na talaga ako sa kanya well dati pa naman. SHOx eto na nagpapaka emotional na. may dad and i really dont talk alot about these kind of things cguro pag assignment na sa school o kaya naman related dun nagtatanung na ko talaga. that’s why i cant even say na i am the second one that knows him the most. i am still a teenager, but i understand a bit of it already. And to think na sa tagal tagal nya nang nandun sa (alam mo na) mag te-three years na… and for 3 months na mag-isa sya dun grabe… hnd mo iisipin na "kakayanin ko kaya yun walng kausap walng tv walng cellphone?" … eto talaga yung mystery kay dad ehhh… how does he do that???!! sbi naman nya he can turn off o kaya i close yung one side of his brain. IS that really possible? yan ang matatanung mo. tanung nga ni mama sa atty namen kung naniniwala sya dun. sbi nmn ni atty na it might be possible kasi ibang klase daw talaga si papa… weird noh ahahah!!!

pero eto i’ll support it with this nalng. dad can literally remember alot of things. 1st, sa dami dami ng libro ni papa sa bahay parang library na kung tutuusin. he knows what color of the cover, the author, the title, and where he last saw it. grabeh. 2nd, he knows all his god-children from baptisms, weddings and confirmations. lastly, ang pinakanakakatawa he still remembers his classmates from grade 1 or so. he even knows their "kalokohan" during those years. and to think that he is already in his 50’s. NO cONNECT ba? haha

one thing im proud of him. is his principles. grabe. kung titignan mo, tuwing christmas party dati sa kanyang mga battalions, camps, etc. ang daming nag dodonate ng kung anu anu. pang give away, pang kain, pera etc. IF my dad is like ESPERON, GLORIA and her constituents… ay wala na…. MAYAMAN na ako!!!! hahahah!!! i could get my own car, i might even have three cars of my own! hahaha o kaya puro alahas lhat na ng maiisip mo. pero eto lng sinasabi ni dad. "hindi yan para sa inyo, para yan sa mga sundalo, binigay yan para sa kanila." awwww. dad really loves his troops. magaling humawak si papa ng tauhan, inaalagaan pa nya. hahaha. eto pa, ngayun lng kami nag karuon ng totoong bhy! as in puro utang pa toh kung tutuusin. im 17 na at ngayun lng kame nag karuon ng stable na talagang matatawag na home.

mahilig din si dad sa mga hayop ….. tulad ng manok, baka, kambing, ahas, bayawak, at kung anu ano pa…. magkakasundo sila ni KUYA KIM sa umagang kay ganda o kaya sa matanglawin! hhaha. pinagtyatygaan nya talaga yung mga pilay na sisiw… yung abnormal na sisiw … grabe, ang cute

dissent without action is consent.

grabe feeling ko naman na sobrang dami kong alam. madami lng naman akong naisulat. well nagkukwento lng. a tribute? for my dad? well si papa naman kung mag salita maiksi lng pero punong punong ng LAMAN pwede narin cgurong sabihin na diretso. hahaha. let’s just support every Filipino who stands up…

For what is True,

For what is Honest,

For what is Right.

one thing i hate about dad. is that he is so trusting, lahat trina-trust nya. ambaet talaga ni dad haaayy. dad is so unique, you wont find anyone like him. laahat nalng trusted nya. minsan tuloy tinetake advantage ang pagka bait nya.

I love you dad, happy bday. We miss you.

buti naman pinapasok nyo kame kanina kay dad. dyan ko siguro masasabi na napaka taas ang respeto nila kay dad at symphathy samen.

New Posts