By Ellen Tordesillas
November 29, 2008
Exactly one year ago, Filipinos were glued to their TV sets watching a few, brave military officers led BGen Danilo Lim and Senator Antonio Trillanes IV take a stand against the trampling by Gloria Arroyo of our Constitution and and our democratic institutions.
Following are links to articles on that day:
Media Hours, grit at the Manila Pen http://www.ellentordesillas.com/?p=1915
Photos of the Manila Pen siege
Manila Pen- not a case of rebellion or warrantless arrest
Media concerns in the Nov. 29 incident
Maria Ressa’s paper on the Manila Pen incident
NHK’s Charmaine Deogracias on the Manila Pen incident
Majority of the Filipinos believe Gloria Arroyo cheated in the 2004 elections. It’s a criminal act.That “original sin” has spawned more crimes against the Filipino people: fertilizer scam, NBN/ZTE, Diwalwal/ZTE, Quedancor mess, etc. etc.
But why is Arroyo still in Malacañang”
Because we allow it.
Brig. Gen. Danny Lim’s quote on that day, rings louder today: “Dissent without action is consent.”
Tama na, kumilos na
Matindi ang kahulugan ng “Araw ng mga Bayani” ngayon dahil nakikita natin kung paano binabastos ni Gloria Arroyo at ng kanyang asawa at kanilang mga alagad ang saligang batas na nagbubuo ng diwa ng ating sambayanan.
Maraming buhay ang nabuwis para maitaguyod natin ang ating demokrasya at ito ay bastas-basta na lang niyuyurakan ni Arroyo para lamang patuloy isyang manaitli sa kanyang ninakaw na kapangyarihan.
Noong Huwebes, naglabas ng mensahe si Brig. Gen. Danilo Lim na ngayon ay nakakulong dahil nanindigan siya ng ilang beses laban sa mga katiwalian ni Arroyo. Tawag nga ni Lim kay Arroyo ay “pekeng presidente.”
Sabi ni Lim, “Ang kapayapaan, pagkaisa at pag-unlad ay hindi natin nakakampatan dahil and namumuno sa atin hindi lehitimo sa moralidad at sa legalidad. Siya ang pinakamalaking banta sa ating seguridad at pagkaka-isa.”
“Ang totoong lider ay simbolo ng pagkakaisa at nagpapatnubay sa atin sa oras ng kagipitan. Ang bogus na lider ay ugat ng pagaaway at kaguluhan.”
Marami sa ating kababayan ay sadlak sa kahirapan. Nabubuhay ang administrasyon ni Arroyo sa katas ng pagpa-alipin ng mga Pilipino sa ibang bayan. At ito ay pinagyayabang pa ni Arroyo.
Sa paggunita ng kabayanihan ng ating mga ninuno, sabi ni Lim, dapat nang kumilos ang sambayanang Pilipino para mabawi ang kanilang dignidad at patalsikin ang pekeng pangulo para maisulong ang kaunlaran na maari lamang makamtan kung ang lider ay nagpapahalaga ng katotohanan at hustisya.
“Ang panawagan ngayon ay hindi lamang para makinig kung di mag martsa,Panahon na para tayo’y magkapit-bisig at kumilos,” sabi ni Lim.
Kahapon ay isang taong anibersaryo ng insidente sa Manila Peninsula. Maala-ala natin na nagwalkout sa hearing ng Oakwood mutiny sina Lim , Sen. Antonio Trillanes IV at iba pang Magdalo na opisyal kabilang sina Capt. Nick Faeldon, Capt. Gary Alejano, LTSGs James Layug, Manuel Cabichan, Eugene Gonzales, Andy Torrato; LTJG Arturo Pascua, 1Lt Billy Pascua; 2LT Jonnel Sanggalang and Armand Pontejos.
Ilan lamang sila sa mga nagmartsa mula Makati City Hall hanggang sa Manila Pen kung saan ipinahayag nila ang kanilang paninindigan laban sa katiwalian ng administrasyong Arroyo.
Alam na natin ang nangyari. Nabitin sa ere ang mga magigiting na sundalo dahil ang hindi nagkaroon ng lakas ng loob ang karamihan sa atin. Kaya tuloy ang kurakutan sa kaban ng bayan at pagyurak sa ating Saligang Batas.
Pinakita nina Lim at Trillanes na handa silang magsakrispisyo para sa taumbayan. Hanggang ngayon nakakulong sila. Kayo?
No comments:
Post a Comment